Mga panukalang amyenda sa Centenarians Act, malapit ng maisabatas

Masayang ibinalita ni Committee on Senior Citizens Chairman at Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes na malapit ng maisabatas ang mga panukalang amyenda sa Centenarians Act.

Inihayag ito ni Ordanes kasunod ng pagratipika ng House of Representatives sa bicameral conference committee report ukol sa mga amyenda sa naturang batas.

Nakapaloob dito ang pagbibigay ng dagdag na cash incentive sa mga senior citizen sa bansa maliban sa ₱100,000 na para sa aabot sa edad na 100.


Base sa panukala, makatatanggap ng P10,000 na cash gift ang mga lolo at lola na tutuntong sa edad na 80, 85, 90 at 95.

Tiniyak naman ng Senado at Kamara na hahanapan nila ng pagkukunan ng pondo ang implementasyon nito sa oras na ito ay tuluyang maisabatas.

Facebook Comments