Mga panukalang haharangin, inilatag ng Senate Minority Bloc

Manila, Philippines – Napagkasunduan na ng Senate Minority Bloc ang mga panukalang isinusulong ng administrasyong Duterte na kanilang haharangin.

Ayon kay Senator Antonio Trillanes IV na miyembro ng minorya, kabilang sa kanilang kokontranin ay ang panukalang ibalik ang parusang bitay, at ang pagbaba sa siyam na taong gulang ng pwedeng sampahan ng kasong kriminal.

Gayundin ang pag-amyenda sa konstitusyon para palitan ng Pederalismo ang kasalukuyang porma ng ating gobyerno.


Hindi rin palulusutin ng minority bloc ang panukalang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda ngayong buwan ng Oktubre.

Ang grupo ng minorya sa Mataas na Kapulungan ay pinamumunuan ni Senator Franklin Drilon.

Maliban kay Trillanes, miyembro din nito sina Senators Bam Aquino, Kiko Panglinan, Risa Hontiveros, at Leila De Lima.

Facebook Comments