Binuksan na ng Senado ang 3rd regular session ng 18th Congress kung saan 23 mga Senador ang present, at 14 sa mga ito ang physically present o nasa session hall mismo ng Senado.
Sa kaniyang talumpati ay tiniyak ni Senate President Tito Sotto III ang patuloy na pagprayoridad ng Senado sa mga panukalang batas na makakatulong sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at pagbabantay sa pondong inilaan dito.
Ayon kay SP Sotto, kasama rito ang mga panukala na para sa kapakanan ng mga pamilya at industriya o sektor na labis na naapektuhan ng pandemya.
Binanggit din ni SP Sotto ang mga panukala na para naman sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Sabi ni SP Sotto, tututukan din ng Senado ang mga panukalang magbibigay proteksyon sa kalikasan at tutugon sa epekto ng climate change at iba’t ibang kalamidad na tumatama sa bansa.
Nanawagan din si SP Sotto sa mamamayan na magkaisa at makipagtulungan para sa ikabubuti ng lahat kaakibat ang pananalig sa Diyos na lahat ng ito ay malalampasan natin.