Sa botong pabor ng 307 mga kongresista ay lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang dalawang panukalang batas na nagpapasalamat at nagtatakda espesyal na mga araw para sa mga magsasaka.
Ito ay ang House Bill 7208 na nagdedeklara sa January 22 ng kada taon bilang “National Farmer’s Day” bilang pagkilala sa mahalaga at makasaysayang papel ng mga magsasaka sa seguridad sa pagkain at pag-unlad ng ating ekonomiya.
Pag-alala rin ito sa naganap na “Mendiola Massacre” sa Maynila kung saan 13 magsasaka ang nasawi at marami ang nasugatan.
Pasado na rin sa Kamara ang House Bill 7209 o panukalang National Thanksgiving Day na nagtatakda ng Araw ng Pasasalamat kada huling Huwebes ng buwan ng Nobyembre.
Facebook Comments