Inaprubahan ng House Special Committee on Food Security na pinamumunuan ni Nueva Vizcaya Luisa Cuaresma ang pinagsama-samang mga panukala na layuning mabawasan ang pag-aksaya sa mga pagkain at mabawasan ang bilang ng mga nagugutom sa bansa.
Nakapaloob sa panukala ang pagtatag ng “Pagkain Para sa Lahat Program” gayundin ang pagpapaigting ng food donation at food waste recycling.
Kaugnay nito ay tinukoy ni BH Party-list Rep. Bernadette Herrera na base sa report ng Food and Agriculture Organization, ay nasa 1.3 billion na tonelada ng pagkain ang nasasayang kada taon.
Binanggit naman ni Antique Rep. Antonio Legarda Jr., na mahalagang matugunan ang food security sa bansa at kanya ring isinulong na gawing fertilizer ang mga food waste para hindi masayang.
Diin naman ni Representative Cuaresma, ang mga panukala ay umaayon sa inihayag ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., emphasized sa 77th Session ng United Nations General Assembly kaugnay sa kahalagahan ng pagkain at kahalagahan na mapatatag ang sektor ng agrikultura.