3 miyembro ng NPA, sumuko sa militar

Nagbalik loob ang tatlong miyembro ng New People’s Army sa tropa ng gobyerno sa Impasugong, Bukidnon.

Kinilala ni 8th Infantry Battalion (8IB) Commanding Officer Lieutenant Colonel Anthony Bacus ang mga sumuko na sina Roel Saavedra, Vice Commanding Officer ng Platoon 1, Regional Sentro de Grabidad Compaq, North Central Mindanao Regional Command Raul Litionia, Team Leader Bravo ng grupo; at Irine Almahan Haguilay.

Ayon sa tatlo hindi na nila matiis ang matinding gutom at pagod dahil sa walang tigil na operasyon ng militar kaya nagdesisyon na silang sumuko.


Nasa kustodiya na ngayon ng 8IB ang tatlo habang pinoproseso ang mga benepisyong matatanggap nila mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program.

Facebook Comments