Nakatakdang magpulong ang mga miyembro ng Metro Manila Council (MMC) upang balangkasin ang mga panuntunan na ipatutupad ngayong Undas.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary Celine Pialago, nagkasundo na ang mga alkalde ng Metro Manila na bawal muna ang mga mass celebration kaugnay sa pagdiriwang ng Undas.
Dahil dito lahat ng sementeryo sa Metro Manila ay isasara sa November 1 at 2.
Pero aniya, hindi pa napag-uusapan ang mga re-routing schedule at ang mga panuntunan sa mga pupunta sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
Aniya, kapag natapos ang guidelines ay agad itong ipapaalam sa publiko sa pamamagitan ng media.
Nilinaw naman ni Pialago na hindi pa pag-uusapan ang quarantine status ng Metro Manila pagkatapos ng buwan ng September.