Mga panuntunan sa ECQ ayuda, isinasapinal na

Tinatapos na ang guidelines para sa pamumudmod ng ayuda sa mga taga-National Capital Region (NCR) na maapektuhan ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula Agosto 6 hanggang 20 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mayroong ongoing meeting ang Department of Budget and Management (DBM) upang ma-finalize ang paghuhugutan ng pondo para sa ECQ ayuda.

Sinabi ng kalihim na kailangang maiparating agad sa mga pamilyang benepisyaryo ang ayuda bago ang lockdown sa Biyernes dahil ito ang aasahan nilang pantustos sa kanilang pangangailangan sa loob ng panahong hindi sila papayagang makalabas at makapaghanapbuhay.


₱1,000 kada indibidwal o hanggang ₱4,000 sa kada pinakaapektadong pamilya ang ipamimigay ng pamahalaan kung saan kung ano ang proseso dati at mga pangalang nasa Local Government Unit (LGU) ang syang isasama ulit sa panibagong bugso ng ayuda.

Facebook Comments