Mga panuntunan sa pagbabakuna ng AstraZeneca, ilalabas ng FDA ngayong linggo

Nakatakdang ilabas ng Food and Drug Administration (FDA) ang bagong guidelines hinggil sa pagtuturok ng COVID-19 vaccine na AstraZeneca ngayong linggo.

Ito ay makaraang ipahinto pansamantala ng FDA at Department of Health (DOH) ang paggamit ng AstraZeneca vaccines sa mga 18-59 years old dahil umano sa blood clot side effect.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni FDA Director General Usec. Eric Domingo na tinatapos na nila ang mga bagong panuntunan at kaagad nila itong ilalabas ngayong linggo.


Ayon kay Domingo, nagbigay na ng information ang World Health Organization (WHO), Vaccine Experts Panel at National Adverse Events Following Immunization Committee kung saan sinasabi na ang paggamit ng AstraZeneca vaccine ay mas mataas ang benepisyo o mabuting maidudulot kaysa sa risk o panganib na pwedeng makuha mula rito.

Kasama sa ilalabas na panuntunan para sa mababakunahan ng AstraZeneca vaccine ay agad na magpakonsulta kung makaranas ng blood clotting event na itinuturing ng mga eksperto na very rare possibility.

Base sa FDA evaluation, ang AstraZeneca COVID-19 vaccine ay mayroong 70% efficacy rate at tataas ito kapag naibigay na ang 2nd dose makaraan ang 4 hanggang 12 linggo.

Facebook Comments