Mga panuntunan sa pagdaraos ng misa, tiniyak ng mga simbahan sa NCR

Tiniyak ng mga simbahan sa Metro Manila na kanilang paiigtingin ang mga panuntunan sa pagdaraos ng misa tuwing Linggo.

Ito ay gitna na rin nang pagpapatupad ng Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR).

Batay sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF), 10% lamang ng kapasidad ang maaaring pumasok sa simbahan at pawang fully vaccinated lamang.


Ihihiwalay naman ang mga hindi pa bakunado sa labas para doon makinig ng misa.

Nagpaalala naman ang mga simbahan na ugaliing dalhin ang vaccination card bukod pa sa pagsusuot ng face mask at face shield.

Facebook Comments