Ipinaabot ng lokal na pamahalaan ng Bayambang katuwang ang Land Transportation Office – Bayambang ang mga panuntunan sa paggamit ng e-vehicles sa mga driver at operator ng e-bike at e-trike upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga kalsada.
Isinagawa ang dialogue at orientation kahapon, Disyembre 17, bilang pagsunod sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng regulasyon sa paggamit ng e-bike at e-trike, kabilang ang pagbabawal sa pagdaan ng mga ito sa national roads at iba pang pangunahing kalsada maliban kung pinahihintulutan ng umiiral na patakaran.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga alituntunin sa operasyon ng e-vehicles at sinagot ang mga katanungan at hinaing ng mga dumalong driver at operator upang mas malinaw na maunawaan ang mga dapat sundin sa lansangan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng aktibidad na mapalakas ang disiplina sa kalsada at maiwasan ang aksidente sa pamamagitan ng wastong paggamit ng mga e-vehicles sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









