Muling pinaalalahanan ng Philippine National Police ang publiko na sumunod sa mga regulasyon at batas kaugnay sa paggamit ng mga paputok.
Batay sa inilabas na guidelines ng PNP, bawal ang paggamit ng mga paputok na:
Overweight (dapat na hindi lalampas sa 0.2 gram o one third ng kutsarita)
Oversized gaya ng Super Lolo at Giant Whistle Bomb
Imported finished product
Gawa sa pinaghalong phosphorus o sulfur at chlorate
Pinagtatalaga naman ng PNP ang bawat komunidad o lungsod ng firecracker display zone o community display area kung saan maaari lang gumamit ng mga pinapayagang uri ng paputok gaya ng:
Baby rocket
Bawang
El diablo
Judas’ belt
Paper caps
Pulling of strings
Sky rocket o kwitis
Small “triangulo”
Bawal naman ang pagbebenta ng mga paputok sa harapan ng mga bahay o sa mga lugar na hindi sakop ng firecracker zone.
Samantala, nakapagtala na ang Department of Health ng 20 firecrackers-related injuries.