Mga panuntunan sa pagpapatupad ng pilot implementation ng alert level system sa NCR, inilabas na ng IATF

Inilabas na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng pilot implementation ng alert level system sa National Capital Region (NCR).

Simula sa huwebes, September 16… desisyon na ng Department of Health (DOH) ang masusunod kung anong alert levels ang ipapatupad sa bawat pilot area.

Madalas na ring magpapasa ng ulat ang Local Government Units (LGUs) sa Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) upang masuri ng ilang ahensiya ng gobyerno ang mga datos sa pagkontrol sa COVID-19.


Kasabay ng pagpapatupad ng alert level system, patuloy na oobserbahan ang mga pagsunod sa minimum public health standards.

Ang mga alert level system ay ang mga sumusunod:

Sa Alert Level 1 – mababa at lalong nababawasan ang hawaan ng virus; habang mababa rin ang utilization rate at Intensive Care Unit (ICU) sa mga ospital.

Sa Alert Level 2 – mababa at nababawasan ang hawaan ng virus; mababa ang utilization rate at Intensive Care Unit (ICU) sa mga ospital pero may mga panahong nakikitaan ito ng pagtaas

Sa Alert Level 3 – tumataas na ang kaso ng hawaan ng virus; habang tumataas rin ang utilization rate at Intensive Care Unit (ICU) sa mga ospital.

Sa Alert Level 4 – tumataas na ang kaso ng hawaan ng virus; at nakitaan na ng pagtaas ang utilization rate at Intensive Care Unit (ICU) sa mga ospital.

Sa Alert Level 5 – dito na maituturing nakakalarma ang pagtaas ng mga kaso; kung saan nasa kritikal na kundisyon na ang utilization rate at Intensive Care Unit (ICU) sa mga ospital.

Facebook Comments