Santiago City- Planong ipaturo ng lokal na pamahalaan ng Santiago City sa klase ng mga mag-aaral ang mga natanggap na parangal ng lungsod.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni City Mayor Joseph Tan sa naging panayam ng RMN Cauayan sa kanya.
Ayon sa alkalde, ngayong buwan ng Enero ay mayroon na umano silang mga ginagawang pakikipagpulong sa mga katuwang na ahensya upang mapag-usapan ito.
Layon umano nito na makilala ng mga mag-aaral ang katapatan at kahusaya ng pamahalaang lokal ng Santiago sa pakikilahok sa iba’t ibang larangan at patimpalak.
Dagdag pa nito ay isa ito sa magandang paraan upang maimulat sa mga bata ang magandang simula ng pagtatagumpay ng lungsod sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat ng Santiagueño.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng alkalde dahil sa patuloy na pagbibigay ng suporta at pakikiisa ng mga Santiagueño upang lalong sumulong ang lungsod ng Santiago.