Mula kahapon hanggang July 11, 2020 ay bukas ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga parating na byahe ng eroplano sakay ay mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga papauwing Pilipino.
Ito ang inihayag ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eddie Monreal sa pagdinig ng Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senator Grace Poe.
Paliwanag ni Eddie Monreal, limitado lang sa 400 pasahero kada eroplano ang pinapayagan at lahat sila ay sasailalim sa swab test at 14 na araw na quarantine.
Diin ni Eddie Monreal, batay ito sa direktiba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) bilang pag-iingat mula sa COVID-19.
Dagdag pa ni Eddie Monreal, regular ding nagsasagawa ng sanitation at disinfection procedures sa mga terminals ng NAIA na main airport ng bansa.