Simula ngayong araw ay muling bubuksan sa publiko mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ang lahat ng mga playground sa mga 3S Center sa Valenzuela City.
Kasama sa patakarang inilatag ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela na dapat ay may kasamang magulang o guardian ang mga bata tuwing maglalaro sa playground at dapat mahigpit na sumunod sa minimum health protocols.
Bukas na rin ang Valenzuela City Family Park at ang Polo Park mula alas-sais ng umaga hanggang alas-nuwebe ng gabi.
Pero base sa patakaran, tanging fully vaccinated lang ang papasukin dito at siyempre mahigpit ding ipapatupad ang health protocols.
Sa susunod na linggo naman ay inaasahang bubuksan na rin ang bagong Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Valenzuela City Friendship Park sa Disiplina Village Bignay.
Isasabay ang pagbubukas nito sa ika-24 na Cityhood Day ng Valenzuela.
Bagama’t maaring ng pumasyal ang mga bata at kahit na sino sa nabanggit na mga parks at playground, ay ipinaalala ng Valenzuela City government.
Dahil dito ay kailangan pa rin ang ibayong pag-iingat kasama ang pagsusuot face mask, social distancing at madalas na pag-sanitize o paghuhugas ng kamay.