Most wanted person, timbog sa Pasig City

99

Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang tinaguriang most wanted person makaraang maaresto sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Kinilala ang akusado na si Ace Villena, 24-anyos residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Pasig City-Philippine National Police (PNP), nagsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng Station Detective Management Section ng Pasig-PNP na nagresulta sa pagkakaaresto sa naturang akusado.


Inaresto si Villena matapos magpalabas ng warrant of arrest si Hon. Judge Emilio Ramos Gonzales III, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 154 ng Pasig City sa kasong paglabag sa Article 336 of RPC, Acts of Lasciviousness.

Napag-alaman na inirekomenda ng piskalya ang piyansang ₱36,000 para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments