Manila, Philippines – Umabot na sa halos animnapung libong pasahero ang naitala sa lahat ng pantalan sa buong bansa.
Ayon sa Public Affairs Office ng Philippine Coast Guard – pinakamaraming pasahero ang naitala sa Western Visayas na nasa 15,075 at Central Visayas na nasa 13,839.
Nasa 7,763 naman ang naitalang pasahero sa Southern Tagalog.
Hindi naman bababa sa 3,000 ang naitalang pasahero sa South Western Mindanao, South Eastern Mindanao, Northern Mindanao at Eastern Visayas
Sa Central Luzon, Palawan, North Western Luzon at Bicol – humigit kumulang isang libo na ang pasaherong naitala habang nasa mahigit dalawandaan lamang ang naitala sa North Eastern Luzon.
Inaasahang tataas pa ang bilang na ito ngayong weekend at pagsapit ng ikatatalumputisa ng Oktubre at unang araw ng Nobyembre.