Mga pasahero na pabiyahe sa Araneta bus terminal, kakaunti pa rin kung ikukumpara noong nakaraang Undas

Kakaunti pa rin ang mga pasahero na pabiyahe ng probinsiya sa Araneta bus terminal sa Cubao QC.

 

Ito ay kung ikukumpara sa dami ng biyahero noong nakaraang Undas.

 

Ayon kay Araneta Bus Station General Manager Ramon Legazpi, kahit araw ng sahod ngayon at half day ang pasok sa trabaho, kaunti na lamang ang maidadagdag sa 5000 na pasahero na naitala kahapon sa Bus port at sa Bus Terminal.


 

Sa tantiya niya, aabot na lamang sa 5,500 ang hahabol na bibiyahe hanggang mamayang gabi.

 

Noong October 31,2018, nasa 5,800 ang bumiyahe sa Araneta bus terminal.

 

Isa sa nakikitang dahilan ni Legazpi ay ang hirap ngayon ng buhay.

 

Inilalaan na lamang ng mga manggagawa  ang kanilang budget sa pag-uwi sa Undas  sa panahon ng pasko kung kailan  umuuwi din ang mga ito sa probinsiya.

Facebook Comments