WATCH: Mga kabataang nagkakalat ng basura, pinarusahan

CCTV footage from Brgy. Platero, Binan Laguna

Natikim ng parusa ang ilang kabataan sa BiƱan, Laguna matapos ma-tripang magkalat sa lansangan.

Sa CCTV footage na ibinahagi ni Cipriano Toto Marce Pacion, makikitang kinuha ng isa sa magbabarkada ang isang balot ng basura at ibinato sa kasamahang nagbibisikleta.

Maya-maya pa, ginawa nang bola ng magkakaibigan ang basurang nakasupot hanggang sa tuluyang masira at kumalat.


Batay sa timestamp ng video, nangyari ang insidente noong Oktubre 28 ng gabi sa Barangay Platero.

Hindi naman pinalampas ng barangay ang kababuyang ginawa ng mga bata.

Ang mga nahuling kalalakihan, ipinatawag ng mga kawani at pinaglinis sa kalye kung saan sila nagkalat.

Nagpasalamat naman ang mga residente sa agarang aksyon ng kinauukulan.

 

Facebook Comments