
Ilang araw bago pumasok ang Semana Santa, nagsimula nang nang dumagsa ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA 3.
Hindi lamang mga pasaherong patungo sa mga lalawigan ang dumagsa ngayon sa NAIA 3, kundi ang mga magbabakasyon sa ibang bansa.
Muli namang nagpaalala ang airlines sa mga pasahero sa wastong paggamit at pagdadala ng power bank.
Ang mga bagong patakaran ay bilang pagtalima sa power bank policy ng AirAsia Aviation Group at ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
Naka-set up na rin ng help desk 24/7 ang local airlines maging ang ilang mga ahensya ng pamahalaan na nag-o-operate sa NAIA.
Facebook Comments