Dagsa ng mga pasahero ngayong holiday season, pinaghahandaan na ng PPA

Pinaghahandaan na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang inaasahang dagsa ng mga pasaherong biyaheng probinsya ngayong Semana Santa.

Sa datos ng PPA, nasa 1.73 million ang inaasahang mga pasaherong gagamit ng iba’t ibang pantalan mula April 14 hanggang 20.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, mas marami ngayon ang susulitin ang mahabang bakasyon para bumisita sa iba’t ibang isla sa pamamagitan ng sea travel.

Umapela naman si Santiago sa mga pasahero na agahan ang pag-book ng tickets at maglaan ng mas mahabang oras para sa biyahe patungong mga pantalan.

Ayon sa PPA, pinakamaraming mga pasahero ngayong peak season sa mga pantalan sa Batangas, Mindoro, Panay/Guimaras, Negros Oriental/Siquijor at Bohol.

Facebook Comments