Nagpahayag ng pakikiisa sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte sa mga Pilipinong Katoliko na nagdiriwang ng Pista ng Immaculate Concepcion.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Pangulong Marcos ang publiko na isabuhay ang prinsipyo ng Birheng Maria sa pagpapakita ng kababaang-loob at pakikisimpatya sa kapwa.
Umaasa rin ang pangulo na magiging konektado ang lahat sa pamamagitan ng nagkakaisang adhikain tungo sa pamumuhay na puno ng integridad, debosyon, at pagmamahal.
Sa kahiwalay na pahayag, hinikayat naman ni vice president Duterte ang publiko na isabuhay ang pagiging mapagsimpatya at mapagbigay na sumasalamin sa katatagan na inihalimbawa ni Birheng Maria sa gitna ng mga pagsubok.
Hinikayat din ni Duterte ang mga Pilipino na tulungan ang mga nangangailangan, nakakaranas ng kawalan ng katarungan at magpaabot ng pagmamahal sa ating mga kababayan na naninirahan sa mga komunidad na hindi naaabutan ng sapat na tulong.