Manila, Philippines – Nalito ang maraming pasahero sa unang araw ng operasyon ng Southwest Integrated Provincial Terminal o SWIPT sa Parañaque City.
Nabatid na dapat nitong Lunes pa nailipat sa HK Sunplaza ang SWIPT pero may mga inayos pa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa MMDA, hindi sila nagkulang sa pag-abiso sa mga pasahero.
Pero aminado ang ahensya na naging matumal ang dating ng mga pasahero sa bagong terminal.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kalahati lang sa 800 bus na may operasyon sa lumang terminal ang lehitimo kaya hindi bumiyahe ang mga kolorum na bus kanina.
May lugar na rin sa terminal para sa mga jeepney na dating ilegal na nakaparada sa Baclaran.
Inaayos na rin ang lugar para sa mga napaalis na Baclaran vendors na siyang bibigyang prayoridad na magkaroon ng puwesto roon.
DZXL558