Mga pasahero, patuloy na dumadagsa sa NAIA; mahigit 100,000 bakasyunista, naitala mula pa nitong weekend

Manila, Philippines – Umabot na sa 130,000 mga pasahero ang naitala ng Manila International Airport Authority sa NAIA mula noong araw ng Sabado.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, nalampasan na nito ang kanilang record noong nakaraang taon kung saan umabot lamang ng 118 libong mga pasahero ang nai-tala sa kaparehong panahon.

Kahit wala pa aniyang nakikitang congestion sa Immigration, nagkakaroon na rin ng bahagyang build-up ang mga pasahero sa departure area.


Muli namang ipinaalala ni Monreal na agahan ang pagpunta sa paliparan dahil bukas na ang mga check-in counters 2 hanggang 3 oras bago ang paglipad ng mga mananakay.
Samantala, inabisuhan din ang mga pasahero na manatili na sa pre-departure area 30 minuto bago ang boarding.
Nation”

Facebook Comments