Mga Pasahero, Pina-Aagahan Ng Pagtungo Sa Naia Dahil Sa Pinaiiral Na Heightened Alert

6

MANILA – Pinapayuhan ng Manila International Airport Authority ang mga pasahero na agahan pa lalo ang pagtungo sa NAIA.Kasunod kasi ng pag-atake ng mga terorista sa airport sa Brussels, nagpatupad ang MIAA ng heightened alert lalo na ngayong dagsa ang mga pasaherong tutungo sa mga probindya para sa semana santaMaging ang mga pumapasok na sasakyan sa NAIA ay masusing isinasailalim sa mahigpit na screening.Mahigpit din ang ugnayan ngayon ng Airport Police Department at PNP Aviation Security Group.Ang mahigpit na seguridad na pinaiiral sa NAIA ay nagbuhunga ngayon ng mahabang pila ng mga pasaherong dumadagsa sa paliparan.

Facebook Comments