Seguridad Sa Mga Pier, Paliparan At Bus Terminal, Lalo Pang Hinigpitan Kasunod Ng Pagsabog Sa Belgium

6

MANILA – Iniutos na ni Pangulong Noynoy Aquino sa DOTC ang paghihigpit sa seguridad sa mga paliparan, pier at bus terminal sa bansa kasunod ng pagpapasabog sa Brussels, Belguim.Kasabay nito, inutusan rin ng Pangulong Aquino ang lahat ng ahensya ng gobyerno na paigtingin pa ang pagbabantay sa seguridad ngayong Semana Santa.Samantala, patuloy na inaalam ng embahada ng Pilipinas sa Brussels kung may mga pinoy na naapektuhan sa pag-atake sa Belguim.Ayon sa Department of Foreign Affairs, wala pa silang natatanggap na report kung may pinoy na nasaktan sa mga pag-atake.Nag-abiso na rin ang DFA sa mga pilipino sa Belguim na mag-ingat kasunod ng pagsabog.

Facebook Comments