General Santos City— Dagsa na ang mga pasahero sa mga pangunahing terminal at paliparan sa lunsod ng Gensan kasabay ng paggunita ng Kwaresma.
Dahil ditto, mas pinaigting pa ng Gensan City Police Office ang kanilang ipinapatupad na pagbabantay para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero sa paliparan at terminal ng bus at van.
Nauna nang sinabi ni Police Sr. Supt. Maximo Layugan, ang hepe ng Gensan City Police Office na maroon sapat na bilang ng PNP personnel na kanilang ideneploy sa bulaong terminal.
Siniguro naman ni Jong Pacurib, ang namamahala ng bulaong terminal na inspeksyonin nila ang mga bagahe ng mga pasahero para narin maiwasan na may makakalusot na explosive o anumang bagay na ikakaalarma ng publiko.
Pero siniguro din nito na hindi ma-abala ang mga pasahero kahit na mayroong inspeksyon sa kanilang mga bagahe.
Habang sa airport naman, maliban sa airport police nagdagdag pa ang Gensan City Police Office ng mga personnel na magbabantay para na rin mas matutukan ang seguridad ng mga pasahero.
Nation”