20 anyos, pinagbabaril patay

General Santos City — hindi na nadala ng ospital ang isang 20 taong gulang na si Ryan Dalundong, residenti ng Prk. Saludin, Barangay Labangal, Gensan matapos itong pinagbabaril sa harap ng isang tindahan sa kanilang lugar.

Alas 6:30 ng gabi noong Linggo nang pinagbabaril ng riding in tandem ang biktima habang ito ay nasa harap ng isang tindahan hindi kalayuan sa kanilang bahay.

Agad na tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay binawian ng buhay matapos nag tamo ng mga sugat sa kanyang mukha.


Sinabi ni Police Sr. Inspector Robert Fores, deputy chief of police ng Makar PNP, na hindi na nila naabutan ang katawan ng biktima sa crime scene matapos itong dinala ng pamilya nito sa kanilang bahay.
Napag-alaman na huli na ng ini-report ang nasabing insidente sa tanggapan ng pulisya kaya hindi agad sila nakagawa ng imbistigasyon.

Sinasabing involved sa pagnanakaw ang nasabing biktima.
Nation”

Facebook Comments