Mga pasahero sa mga pantalan ngayong umaga, mas kaunti kumpara kahapon

Bumaba ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ngayong umaga kumpara sa mga nagdaang araw.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 7,493 ang outbound passengers at 7,386 ang inbound passengers ang dumating sa mga pantalan sa buong bansa.

Higit na mas mababa ito ng pito hanggang walong beses sa naitalang 60,097 outbound passengers at 52,648 inbound passengers kahapon.


Samantala, nasa 156 na barko at 162 na motorbanca naman ang nainspeksyon na ng Coast Guard ngayong araw.

Patuloy ring nakaalerto ang PCG para sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan hanggang January 7, 2023.

Facebook Comments