PBBM, tiniyak na may mga nakalinya pang groundbreaking ceremonies kaugnay sa pabahay ng gobyerno para sa mga Pilipino

Isa lamang ang groundbreaking sa Palayan City, Nueva Ecija sa marami pang aktibidad na may kinalaman sa government housing project ang nakalinyang pangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa kanyang talumpati sa ground breaking ceremony ng Pambansang Pabahay para sa mga Pilipino sa Nueva Ecija, sinabi ni Pangulong Marcos na may mga nakalinya pang groundbreaking sa mga susunod na buwan.

Mauuna lang aniya ang Metro Manila at mga kalapit-lugar nito dahil dito nakitang may pangangailangan patungkol sa Pabahay ng mga Pilipino.


Magpapatuloy ayon sa pangulo ang mga groundbreaking sa gitna ng pagsisikap aniya ng kanyang administrasyon na maabot ang 1 million houses kada taon.

Para sa pangulo malaking bagay ito para magkaroon ng solusyon ang problema ng pabahay na kinakaharap ng mga Pilipino.

Facebook Comments