Mga pasahero sa NAIA, dagsa pa rin ngayong bisperas ng Bagong Taon

Mahigit labing isang oras bago ang bagong taon, dagsa pa rin ang mga pasaherong dumadating at papaalis sa naia terminals.

Sa international arrivals, kabilang sa mga pasaherong dumadating ay ang mga nagdiwang ng pasko sa ibang bansa at dito sa pilipinas magbabagong taon.

Marami ring OFWs ang nag uwian para magbagong taon kasama ang kanilang pamilya sa Pilipinas.


Nanindigan naman ang manila international airport authority na apat na porsyento na ang itinaas sa bilang ng mga pasahero ngayong sa naia terminals.

Pinaghahandaan naman ng miaa ang pagdagsa ng mga pasaherong pabalik ng Maynila mula Enero a-dos hanggang a-tres.

Facebook Comments