BFP, nagsagawa ng motorcade sa San Juan City bilang kampanya kontra paputok

Idinaan sa motorcade ng Bureau of Fire Protection ang kampanya nito na tinawag na Ligtas Putukan 2020.

Ito ay naglalayong hikayatin ang publiko na iwasan na ang pagpapaputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Sumama naman sa pag iikot ang San Juan Police para kunin ang kooperasyon ng mga residente ng lungsod sa kampanya.


Kasama sa mga inikot ng motorcade ang bahagi ng Santolan rd, Pinaglabanan at iba pa.

Facebook Comments