Mga pasaherong dumadagsa sa NAIA, higit 70,000 na

Umaabot na sa higit 70,000 pasahero ang dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay sa gitna na rin ng summer vacation at Semana Santa.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal – 14% na mas mataas ang bilang kumpara sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.


Maaari aniyang resulta ito ng mas mahabang oras ng operasyon ng paliparan.

Nitong 2018, 18 oras lamang ang operasyon ng paliparan pero nasa 22 oras na ngayon.

Pinayuhan ng MIAA ang mga pasahero na sumunod sa mga polisya ng paliparan at makipagtulungan sa mga awtoridad, lalo na sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sa mga tauhan mula sa inter-agency committee on anti-illegal drugs ng National Bureau of Investigation (NBI) na naka-deploy sa NAIA.

Maglaan din dapat ng mahabang oras ang mga pasahero o time allowance sa luggage check-in, security at immigration.

Facebook Comments