Mga pasaherong dumagsa sa PITX ngayong holiday, umabot sa 125,000

57

Aabot sa 125,000 na pasahero ang naitala sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na umuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Pasko.

Ayon kay PITX Spokesman Jason Salvador, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero sa isang araw na kanilang naitala mula nang buksan ang terminal noong 2019.

Aniya, ang nasabing bilang ay mas mataas din bago pa ang pandemya.


Dahil dito, sinabi ni Salvador na nakikipag-usap na sila sa mga bus operator para dagdagan ang mga bumabiyaheng bus.

Hindi bababa sa 100 bus aniya ang kakailanganin lalo na’t mahigpit ang implementasyon ng 70 percent capacity.

Inaasahan naman ng pamunuan ng PITX ang pagdagsa muli ng mga pasahero pagkatapos ng pagsalubong sa Bagong Taon.



Facebook Comments