Walang ipinapakitang sintomas ng COVID-19 ang mga pasaherong dumating sa Pilipinas mula sa mga bansang apektado ng Omicron variant.
Ito ang tiniyak ng Bureau of Quarantine (BOQ) matapos ihayag ng Department of Health (DOH) na nasa 797 pasahero ang dumating sa bansa mula Nobyembre 15 hanggang Nobyembre 29.
Ayon sa DOH, tatlo sa mga ito ang nagpositibo sa COVID-19 at hinihintay pa ang resulta ng isinagawang genome sequencing sa samples na kinuha sa tatlong COVID positive.
Sinabi naman ni BOQ Deputy Director Roberto Salvador Jr. na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government upang bantayan ang mga pasaherong nakauwi na sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Facebook Comments