Mga pasaherong galing sa iba’t ibang probinsya, isa-isa nang nagsisidatingan sa NAIA at mga bus terminal

Nag-umpisa nang magsidatingan ang mga pasaherong galing sa iba’t ibang probinsya sa NAIA at ilang bus terminal sa Metro Manila.

Ito ay matapos ang paggunita ng Undas at isang araw rin bago ang pagbabalik ng pasok sa trabaho at eskwela.

Ala una pa lang ng madaling araw nang isa-isang magsidatingan sa terminal sa Pasay ang mga bus mula Bicol at Visayas.


Fully booked na rin ang mga biyaheng pa-Maynila mula Baguio ng Victory Liner.

Mamayang hapon naman inaasahang bubuhos ang mas maraming pasahero sa mga bus terminal.

Habang mamayang tanghali, posibleng makaranas na rin ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa SLEX at NLEX.

Facebook Comments