Bilang ng mga nasugatan sa magkakasunod na lindol sa Mindanao, nadagdagan pa!

Sumampa na sa 432 ang naitatalang sugatan sa magkakasunod na lindol sa Mindanao

Sa huling datos ng NDRRMC kaninang alas 6:00 ng umaga, 21 pa rin ang death toll habang dalawa ang nawawala.

Nadagdagan din ang bilang ng mga nasirang imprakstraktura na ngayon ay nasa 28,932 na.


Kabilang dito ang 27,845 na kabahayan, 854 school buildings, 73 health facilities, 20 bahay-dalanginan, 38 private at commercial establishments, 21 kalsada at tulay at 81 public structures.

Umabot naman sa 35,661 pamilya ang apektado ng lindol.

Facebook Comments