Mga pasaherong magkakasama sa bahay, obligado pa ring magsuot ng face mask kapag nasa isang sasakyan

Photo Courtesy: Department of Transportation - Philippines Facebook Page

Obligadong magsuot ng face mask ang lahat ng pasahero sa isang sasakyan kahit magkakasama pa sila sa iisang bahay.

Sa joint statement ng Department of Transportation (DOTr) at ng Department of Health (DOH), kanilang nilinaw na maaari lamang mag-alis ng face mask ang driver ng isang sasakyan kung siya lamang mag-isa, pero kung may mga sakay na ito o kasama sa loob ng sasakyan, dapat lahat ay magsuot ng face mask.

Nakasaad pa sa statement na makikipag-ugnayan ang DOTr at DOH sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Inter-Agency Council for Traffic (IACT), Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), at iba pa para sa proper implementation nito.


Kabilang din sa kanilang pag-uusapan ang magiging multa at iba pang penalty sa paglabag dito base sa umiiral na batas at mga panuntunan.

Facebook Comments