Beteranang aktres na si Rita Avila, naglabas ng sama ng loob sa netizen na pumuna sa kanyang pag-arte

425

Hindi napigilan ng beteranang aktres na si Rita Avila na maglabas ng sama ng loob kasunod ng pagpuna ng isang netizen sa kanyang pag-arte.

Ito ay matapos sabihin ng netizen na ang asawa nitong direktor na si FM Reyes na lamang ang nagpapaangat sa kanya.


Paliwanag ng aktres, kaya niyang tanggapin ang lahat ng panlalait sa kaniyang karakter pero huwag lang idamay ang kanyang asawa, na isa sa mga direktor ng seryeng isa siya sa mga bida.

Pakiusap ni Rita, sana ay tigilan na ang mga malisyosong komento dahil hindi umano sila mga ganoong klase ng tao.

Unang nakatrabaho ni Rita ang kaniyang asawa noong taong 1999 kung saan marami rin ang pumuna sa kanilang relasyon na labis na nagpasama ng loob ng aktres.

Facebook Comments