
Umabot na sa mahigit 8 milyong pasahero ang nakalibre sa terminal fee sa mga pantalan sa bansa.
Ito’y sa ilalim pa rin ng passenger fee program para sa mga estudyante, senior citizen, Persons with Disability (PWD), at uniform personal.
Ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, nais nilang maging abot kaya ang maritime transport para sa estudyante, senior citizens, PWD, at uniform personnel bilang pagkilala sa kontribusyon nila sa bansa.
Ang nasabing bilang ay katumbas ng 219 milyong piso matapos na itigil ang koleksyon mula 2019 hanggang July sa kasalukuyang taon.
Mula discount, ipinatupad ang full exeption base na rin sa PPA Administrative Order 4-2019.
Samantala, ang m pakamaraming nakinabang sa libreng terminal fee ay mga estudyante na sinundan ng mga senior citizen.









