Walang ipinakitang sintomas ng COVID-19 ang mga pasaherong nagmula sa red list countries na dumating sa bansa bago pa man ang pagbabago ng protocols noong Nobyembre 28.
Ayon sa Bureau of Quarantine, lahat ng na-trace nila ay hindi nagkaroon ng sintomas ng virus kahit na nagmula sila sa mga bansang nasa red list.
Matatandaang nitong linggo ay hindi na muna nagpapapasok ang Pilipinas ng mga nagmula sa red list countries o yung high risk sa COVID-19 transmission kasunod na rin ng banta ng Omicron variant.
Sa kasalukuyan, nasa 14 bansa ang nasa red list kabilang ang mga sumusunod:
• Austria
• Czech Republic
• Hungary
• Netherlands
• Switzerland
• Belgium
• Italy
• South Africa
• Botswana
• Namibia
• Zimbabwe
• Lesotho
• Eswatini
• Mozambique
Wala pa naman sa ngayong nade-detect na Omicron variant dito sa Pilipinas na unang natukoy sa South Africa.