Nagsimula nang dumagsa sa mga paliparan at terminal ang mga pasaherong luluwas sa kani-kanilang mga probinsya ngayong Semana Santa.
Sa kabila ng posibleng pagkansela ng biyahe dahil sa bagyo ay tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Lunes Santo.
Sa ngayon ay wala pang kaseladong biyahe dahil sa Bagyong ‘Agaton’ pero pinapayuhan ang mga pasahero na mag-antabay ng anunsyo mula sa Facebook page ng NAIA o maghintay ng text message mula sa kanilang mga airline.
Samantala, maaga pa lamang ay mahaba na rin ang pila ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Mas marami ang mga pasahero ngayon sa terminal kumpara nitong nagdaang weekend.
Habang nananatiling matumal ang dating ng mga pasahero sa Araneta Bus Terminal na dating dinadagsa tuwing bakasyon dahil na rin sa kawalan ng mga biyaheng pa-Visayas at Bicol.
Nagmahal na rin ang pamasahe ng ilang bus sa terminal gaya ng mga biyaheng pa-Batangas na dati ay nasa P195 lamang, ngayon ay P250 na.