Singil sa kuryente ng Meralco, tataas!

Magpapatupad ng taas-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan.

Sa abiso ng electric company, P0.54 kada kilowatt hour ang magiging pagtaas sa April bill.

Katumbas ito ng dagdag-singil na P107 para sa mga kumukonsumo ng 200kwh kada buwan.


Habang nasa P161 ang dagdag sa kada 300kwh; P215 sa kada 400kwh at P268 sa kada 500kwh.

Facebook Comments