MANILA – Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines na arestuhin ang mga pulis scalawags at yung mga sangkot sa iligal na droga.Sa oath-taking ng mga bagong opisyal ng AFP sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na kapag hindi niya ipinasok sa laro ang mga sundalo ay tiyak na wala nang titingin sa mga abusadong pulis.Aniya, masyado ng malala ang kultura ng korapsyon sa hanay ng mga pulis.Giit pa ni Pangulong Duterte, wala na ni isang pulis sa buong bansa ang pwedeng magsagawa ng anti-illegal drug campaign habang isinasagawa ang re-organisasyon sa hanay ng Philippine National Police.Samantala, nilinaw naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na ang tulong na maibibigay ng AFP sa pagsugpo sa problema sa iligal na droga ay ang pagbuo ng mga anti-drug units.Aniya, kahit naka-suporta ang AFP sa kampanya kontra droga ay hindi ito nangangahulugan na “as a whole” ang kanilang pagsabak dito at sa halip ay may ilang units lang na ide-deploy.Sa oras aniya na mabuo ang mga anti-drug units sa AFP ay doon na sila makakatulong sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang mga operasyon.
Mga Pasaway Na Pulis Na Sangkot Sa Ilegal Na Droga, Pinaaaresto Ni Pangulong Duterte Sa Armed Forces Of The Philippines
Facebook Comments