Mga pasaway na tricycle driver sa lungsod ng Quezon, ipapakukulong at pagmumultahin

Manila, Philippines – Bilang na ang araw ng mga pasaway na tricycle driver, sa Quezon City, ito’y matapos maglabas ng kautusan ang city hall na ipapakulong at pagmumultahin ang mga ito, kapag inireklamo ng kanilang mga pasahero.

Ayon sa ipinalabas order ng Quezon City, tricycle regulation division, may parusang anim na buwan pagkakulong at multang limang libong piso ang sinoman tricycle driver kapag inireklamo ng sobrang paniningil.

Nag-ugat ang kautusan, matapos ang matanggap ang mga reklamo ng mga pasahero.


Ilan lamang sa mga reklamo ng mga pasahero ay sobrang paniningil, hindi pagbibigay ng diskwento sa mga senior citizen, at hindi maingat na pagmamaneho,

Bukod sa paniningil ng sobra sa kanilang mga pasahero, napag-alaman din ng mga tauhan ng “dpos” na may mga menor de edad namamasada at walang mga lisenya.

Dahil dito’y umapila ang mga tauhan ng tricycle regulation division sa mga mananakay ng tricycle, na patuloy na ireklamo ang mga pasaway na driver at itawag sa kanilang hotline number na 122.

Facebook Comments