Mga Pasaway sa Daan, Hahatakin na sa San Mariano

San Mariano, Isabela – Inatasan ni Sanggunian Bayan (SB) member Steven Troy Miranda, chairman ng Committee on Transportation ang mga pulis at traffic enforcers na ipatupad ang mga ordinansa at traffic code ng san Mariano.

Sa ginanap na pagdinig ng naturang komite, pinayuhan ni SB Miranda ang mga pulis at traffic enforcers na higpitan ang pagpapatupad ng mga batas sa lansangan upang maturuan ng leksyon at madisiplina ang ang mga motorista na ginagawang paradahan ang lansangan na nagiging sanhi ng pagsikip ng daloy ng trapiko tuwing palengke day.

Nag-ugat ang nasabing usapin matapos na lumabas sa pagdinig ng komite na isa sa mga naging dahilan ng matagal na pagresponde ng mga bumbero sa naganap na sunog noong Linggo ay ang mga nakahambalang na mga sasakyan sa lansangan.


Dagdag pa ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan ng San Mariano, maiiwasang maulit ang mga kaparehong insidente kung hihigpitan ang pagpapatupad ordinansa sa nasabing lugar.

Facebook Comments