Cauayan City, Isabela- Mahigpit na pinapaalalahanan ang mga pasaway sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Randy Ariola, board member ng 3rd District ng Isabela, nararapat lamang aniya na mag-self quarantine ang isang indibidwal na galing sa Metro Manila o mga galing sa ibang bansa bilang bahagi ng safety measures laban sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Paalala nito sa mga kinakailangang magself o home quarantine na isaalang alang ang kapakanan ng bawat isa at sundin lamang ang kahilingan ng pamahalaan na manatili muna sa bahay.
Huwag na aniyang antayin na darating sa punto na huhuliin ang mga makikitang hindi sumusunod sa kautusan ng gobyerno.
Maging inspirasyon din sana aniya ang mga frontliners na isinusugal ang kanilang buhay para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Dagdag pa ni BM Ariola, iwasan ang pagpapakalat ng ‘fakenews’ o ‘chismis’ upang hindi maalarma ang publiko.