Pinabubuksan na sa normal na paggamit ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration at Administrative Support To COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander, PLt. Gen. Rhodel Sermonia ang mga pasilidad ng Philippine National Police (PNP) na ginamit bilang quarantine areas.
Matatandaang noong kasagsan ng COVID-19 simula March 2020 ay ginawang quarantine facility ang Kiangan Center sa Camp Crame.
Dahil sa pagdami ng kaso noong 2020 at muli noong 2021, maging ang mga tennis court, basketball court at transformation oval ay ginawa na ring quarantine facilities.
Ayon kay Sermonia, ngayong iilan na lang ang kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, pwede nang bawasan ang mga pasilidad ng PNP na ginagamit bilang quarantine areas.
Siniguro naman ni Sermonia na aktibo parin ang ASCOTF sa pag-monitor ng kalusugan ng mga pulis.