Police officer na nakatalaga sa Las Piñas City Police Station, inaresto dahil sa pagmolestiya sa isang binatilyo

375

Inaresto ang isang police officer ng kanyang kabaro matapos na ireklamo ng pagmomolestiya o sexual assault at paglabag sa RA 7610 o Child Abuse Law sa Las Piñas City.

Kinilala ang suspek na si Police Master Sergeant Herminio Besmonte, nakatalaga sa Police Substation 1 sa Alabang Zapote Viaduct sa Brgy. Zapote sa Las Piñas City.

Ayon sa imbestigasyon ng Las Piñas City Police, isang ginang ang nag-report sa pulisya sa nangyari sa anak sa ginawang kahayupan umano ni Besmonte.


Base sa salaysay ng nagrereklamong ginang, habang abala siya sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos sa Presinto, lumabas ang kaniyang anak na binatilyo at nilapitan umano ng suspek.

Hinimas umano ang dibdib pababa sa pantalon at hinawakan ang maseselang parte ng kanyang anak at maya’t maya ay pumasok sa presinto ang suspek at pinasunod ang biktima kung saan habang nasa loob ng kwarto rito na umano ibinaba ang pantalon ng biktima at naisakatuparan ang gusto ng pulis.

Ayon kay Las Piñas City Police Chief Col. Jaime Santos, may mga nakarating na umano sa kanyang impormasyon na reklamo ng ginang at agad naman niya itong inaksyunan.



Sa ngayon ay nakakulong na ang pulis at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa naturang pulis.

Facebook Comments